Tinig ng Pakikibaka

Posted on September 22, 2017 by admin No Comments

Tinig ng Pakikibaka

Sa 13 Oktubre 2017, ipagdiriwang ng ating bansa ang ika-150 na kaarawan ni Aurelio Tolentino, premyadong dramatista at kinikilalang ama ng drama simboliko noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Si Tolentino ay walang takot sumulat ng mga obra laban sa imperyalismong Amerika noong simula ng ika-20 siglo. Siya rin ay naging inspirasyon ng mga manunulat, karamihan ay mga mandudula ng mga satiriko, simbolikal at alegorikal na mga dulaan laban sa rehimeng Ferdinand E. Marcos mula dekada ‘70 hanggang sa unang bahagi ng dekada ’80.

Ngayong 21 Setyembre 2017 naman, ginugunita ng ating bansa ang ika-45 taon ng pagdeklara ng Batas Militar (Martial Law) ni dating pangulo at diktador Marcos. Bagama’t mahigit na 45 taon na ang lumipas, patuloy pa rin ang pakikibaka ng sambayanan laban sa neoliberalismo, paglabag sa karapatang pantao, at ilang katiwalian sa pamahalaan.

Upang gunitain ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Aurelio Tolentino at ang ika-45 taon ng deklarasyon ng Batas Militar ni Marcos, adhikain ng Opisina ng mga Inisyatiba sa Kultura at mga Sining (OICA), Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, at Departamento ng Kasaysayan, sa pakikipagtulungan at suporta ng Opisina ng Tsanselor, Diliman Information Office, Sentrong Asyano, at University Theatre Complex, ang maihandog sa komunidad ng UP Diliman ang Tinig ng Pakikibaka, isang pagdiriwang na magsisilbing pagninilay-nilay hinggil sa responsibilidad at posisyon ng UP bilang isang pambansang unibersidad hinggil sa mga nasambit na panahon ng pakikibaka mula noon hanggang ngayon.

Ang mga programa para sa pagdiriwang at gunita ay ang mga sumusunod:

Lakad Gunita: First Quarter Storm and Diliman Commune Memory Walk
11 at 18 Setyembre 2017, 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
AS Lobby

Forum-Workshop on Martial Law
26-28 Setyembre 2017, 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
GT Toyota Auditorium (26-27 Setyembre) at PH 400 (28 Setyembre)
Para sa pagpapatala/katunungan kontakin ang Departamento ng Kasaysayan sa 981-8500 lokal 2126 / 924-2966

Never Again & Pista Rizalina sa UP Diliman:
Indigo Child ni Rody Vera
direksyon ni Jose Estrella
Tao po ni Maynard Manansala
direksyon ni Ed Lacson, Jr.
27 Setyembre 2017. 5:30 n.h. – 7:30 n.g.
GT Toyota Auditorium
Para sa mga katanungan/control tickets kontakin ang UPD-OICA sa 981-8500 lokal 2659

Symposium on Aurelio Tolentino
Tampok ang mga espesyal na presentasyon:
– Teatrikong Pagbasa ng “Hilat! Aray!”
– Documentary Film on the Role of Radio During Martial Law
19 Oktubre 2017, 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
Aldaba Hall, UP Theater
Para sa pagpapatala/katanungan kontakin ang UPD-OICA sa 981-8500 lokal 2659

#TinigNgPakikibaka
#AurelioTolentino
#MartialLaw#NeverAgain#PistaRizalina#UPDiliman

 

 

 

No comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *